BINIGYAN ng pagkakataon ang fans para iboto ang kanilang paboritong kandidata na gusto nilang makapasok sa Top 12 ng Miss Universe competition sa Lunes, Enero 30.

Kahapon, inimbitahan ng Miss Universe Organization (MUO) ang fans ng pageant sa buong mundo para bumoto sa isa sa mga kandidata ng Miss Universe na matutulungan nilang makapasok sa semifinals.

Nagsimula ang voting period ng fans nitong Lunes, Enero, 23 at magtatapos sa Sabado, Enero, 28 dakong 8:00 ng umaga. Hindi na mabibilang ang mga boto na papasok pagkatapos ng voting period, ayon sa mga organizer.

May apat na paraan para bumoto:

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

• Mag-download ng Miss U App mula sa iTunes o Google Play stores, mag-log in gamit ang Facebook, Twitter o email, at sundin ang instruction para makaboto. Limitado lamang sa 10 boto kada account at kada araw gamit ang ganitong paraan.

Kailangang pindutin ang “Cast Your Vote” button para mabilang ang boto.

• Bumisita sa missuniverse.com, mag-log in gamit ang Facebook, Twitter o email, at sundin ang instruction para bumoto. Limitado rin ito ng 10 boto kada account at kada araw.

• Mag-tweet o retweet na may #MissUniverse at ang partikular ng hashtag ng kandidata na nakalagay sa Website. Dapat naka-public ang Twitter account para mabilang ang tweets at retweets.

• Mag-download ng Vodi App mula iTunes o Google Play stores, mag-log in gamit ang Facebook, Twitter o email, at sundin ang instruction para bumoto. Limitado rin ito ng 10 boto kada account at kada araw.

Tanging mga boto lamang na sumunod sa mga instruction at voting rules ang mabibilang. Hindi rin dapat gumamit ng third party services para bumoto, ani MUO. (ROBERT R. REQUINTINA)