SISIMULANG suriin ng Department of Environment at Resources (DENR) sa Negros Island Region (NIR) ngayong Miyerkules ang mga kuweba sa munisipalidad ng Mabinay sa Negros Oriental upang matukoy kung alin sa mga ito ang maaaring itampok sa turismo.

Inihayag nitong Lunes ni Mabinay Mayor Ernesto Uy na magkakaroon ng cave congress at cave presentation sa Biyernes, Enero 27, na lalahukan ng tourism officers ng mga lungsod at munisipalidad, mga cave enthusiast at iba pang mga stakeholder sa industriya ng turismo.

Sinabi rin ni Mayor Uy na ang assessment at inventory ay mas magiging kapaki-pakinabang sa paghahanda ng bayan sa pagdedebelop ng mas maraming tourists spot sa munisipalidad.

Ibinahagi niya na sa 400 kuweba sa Mabinay, tanging 30 lamang sa mga ito ang napupuntahan; anim sa mga ito ang napaganda na, tulad ng Bulwang Cave, Panligawan Cave, Pandalihan Cave, Crystal Cave, Odlomon Cave at Cagado Cave.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Inaayos at dinedebelop na rin ang daanan patungo sa iba pang mga kuweba, ayon sa alkalde.

Kasabay sa pagsusuri sa kuweba ang pagdiriwang ng Mabinay ng ika-57 taunang pista nito bilang pagkikila sa kanilang patron na si Señor Sto. Niño, sa Langub Festival bilang isa sa mga pangunahing kaganapan at idinadaos tuwing ika-24 ng Enero.

Ngayong taon, maglalaban-laban ang bawat barangay sa street dancing competition, sa apat na barangay ang bumubuo sa bawat grupo at ang bawat grupong magwawagi ay nakatanggap ng P40,000.

Itatampok sa Langub Festival ang mga sayaw na magsusulong sa mga kuweba ng Mabinay na kakaiba kumpara sa ibang mga pista sa probinsiya.

Inilahad din ni Mayor Uy na isinasagawa rin ang river rafting activity sa isa sa mga nakamamanghang talon sa Mabinay, ang Bugsok Falls, na matatagpuan sa Barangay Banban, 13 kilometro mula sa Poblacion.

Sinabi ni Uy na 300 metrong daanan patungong Bugsok Falls ang hindi pa naaayos.

Ang susunod na gagawin, ayon kay Uy, ay ang regular nang makapagsagawa ng river rafting activity mula Bugsok Falls patungong Kauswagan Bridge, na halos dalawa at kalahating oras ang paglalakbay, gaya sa Cagayan. (PNA)