LLL d 29 _5194.NEF
LLL d 29 _5194.NEF

UMUKIT ng kasaysayan at dinomina ng La La Land, musical tribute sa Los Angeles, ang nominasyon sa Oscar na inilabas nitong Martes. Tumanggap ito ng 14 na nominasyon na kasing dami ng naitala ng Titanic at All About Eve.

Nominado ito sa best picture at best director para sa 32-anyos na si Damien Chazelle, at nominado rin ang dalawang bida na sina Ryan Gosling at Emma Stone.

“I’m in Beijing right now. This only adds to the disorientation,” saad ni Chazelle sa telepono nitong Martes. “All that I have in my head is ‘thank you’ a million times over.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang iba pang mga nominado para sa best picture ay ang Moonlight, Arrival, Manchester by the Sea, Hell or High Water, Lion, Fences, Hidden Figures at Hacksaw Ridge.

Nominado sa walong award ang Moonlight ni Barry Jenkins, ang Fences ni Denzel Washington at Hidden Figures ni Theodore Melfi kaya tiyak na hindi na uli magti-trending ang “OscarSoWhite”. Sa loob ng dalawang taon na pawang puti ang nominado, pito ang hindi na puti sa 20 aktor na pumasok sa nominasyon nitong Martes.

Ang pinakamalaking sorpresa ay ang pagsuporta kay Mel Gibson, na matagal nang iniitsa-puwera o tinatanggihan ng Hollywood simula noong kanyang anti-Semitic tirade at pagkakaaresto sa pagmamaneho na nakainom noong 2006 at noong 2011 dahil sa domestic violence. Hindi man naging nominado para sa best picture ang kanyang World War II drama na Hacksaw Ridge, nakapasok pa rin siya sa hindi inaasahang best director nomination.

Parehong may walong nominasyon ang Arrival ni Denis Villenueve at ang Moonlight na pumangalawa sa paramihan ng nominasyon.

Samantala, nakamit naman ni Meryl Streep, na tinawag na “overrated” ni President Donald Trump kamakailan, ang kanyang ika-20 nominasyon. Nominado siya para sa best actress sa kanyang pagganap sa Florence Foster Jenkins, at makakalaban niya sina Stone, Natalie Portman para sa Jackie, Ruth Negga sa Loving, at Isabelle Huppert para sa Elle.

Nominado naman para sa best actor sina Gosling, Casey Affleck para sa Machester by the Sea, Andrew Garfield ng Hacksaw Ridge, Viggo Mortensen ng Captain Fantastic, at Denzel Washington ng Fences.

Para sa best supporting actor, nominado sina Mahershala Ali ng Moonlight, Jeff Bridges ng Hell or High Water, Michael Shannon ng Nocturnal Animals, Lucas Hedges ng Manchester by the Sea, at Dev Patel ng Lion.

Hindi rin inaasahan na makakapasok sa best supporting actress si Viola Davis ng Fences. Kabilang sa kategorya sina Naomi Harris ng Moonlight, Nicole Kidman para sa Lion, Octavia Spencer ng Hidden Figures, at Michelle Williams ng Manchester by the Sea.