Hindi kinaya ng isang lalaki ang mga balang tumama sa kanyang katawan matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa isang bakanteng lote sa Parañaque City, nitong Lunes ng hapon.

Dead on the spot si Marino Jumawan y Belhot, alyas “Dodong”, tindero ng gulay, ng El Dorado Dulo, Barangay Don Bosco, ng nasabing lungsod.

Inaalam na ng Parañaque City Police ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na kapwa nakasuot ng itim na bonnet at helmet.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO), dakong 5:00 ng hapon naganap ang pamamaril sa Levi Town Avenue, Betterliving, Bgy. Don Bosco, Parañaque City.

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

Nakatayo si Jumawan sa nasabing lugar nang sumulpot ang dalawang armadong lalaki na sakay sa motorsiklong walang plaka at pinagtulungang barilin ang biktima.

Isang concerned citizen ang tumawag sa tanggapan ng Bgy. Don Bosco upang iulat ang insidente hanggang sa natagpuan ng mga tanod ang duguang bangkay ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)