PARIS (AFP) – Sinimulan ng Paris ang una nitong eksperimento sa driverless bus noong Lunes, bilang paghahanda sa “revolution” ng autonomous vehicles.

Dalawang electric vehicle na kayang magsakay ng 10 katao ang tumakbo sa special lane patungo sa silangan ng sentro ng lungsod.

“Autonomous vehicles represent a revolution for every city on the planet... which will change our urban environment and public space in a spectacular fashion over the next 20 years,” sabi ni Paris deputy mayor Jean-Louis Missika sa mamamahayag.

Tatagal ng tatlong buwan ang pagsubok sa self-driving vehicles na gumagamit ng kombinasyon ng laser at camera upang ma-detect ang ibang mga bagay at tao sa paligid nito.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'