NEWPORT, R.I.(AP) — Iniluklok sina Kim Clijsters at Andy Roddick sa International Tennis Hall of Fame.

Kapwa naging world No.1 ang dalawa sa maiksing panahon at kapwa nakapagwagi ng U.S. Open title.

Nakopo ni Clijsters, pambato ng Belgium, ang apat na Grand Slam singles title — ang U.S. Open noong 2005, 2009 at 2010, at Australian Open noong 2011 — bukod sa dalawang major doubles title.

Itinanghal na huling American na nagkampeon sa Grand Slam (2003 US Open) si Roddick.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kasama rin sa Class 2017sina wheelchair tennis player Monique Kalkman-van den Bosch, tennis historian at journalist Steve Flink, at ang namayapang si tennis instructor Vic Braden.

Inaasahang makikiisa sina Roddick, Kalkman-van den Bosch at Flink sa seremonya sa Australian Open nitong Martes.

Nakatakda ang opsiyal na seremonya sa Hulyo 22.