HINDI ako naniniwala o sang-ayon sa Facebook post ng isang netizen na ang Camp Crame (PNP headquarters) ay baka raw mabago na ang pangalan at bansagan itong âCamp Crimeâ bunsod ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-Joo, isang Korean businessman, na kinuha ng mga pulis sa Angeles City, dinala sa Camp Crame at doon umano sinakal at pinatay ng isang SPO3 Ricky Sta. Isabel, dinala sa isang punerarya (na pagmamay-ari ng isang dating pulis), pinasunog sa isang crematorium at ang abo ay ifinlush sa inidoro ng nasabing punerarya.
Ayon sa balita, ilang metro lang ang layo mula sa opisina ni Gen. Bato ang lugar na pinagsakalan sa Koreano. Akalain ba ninyo na hiningan pa ng P5 milyong ransom ang ginang ni Ick-Joo ng mga tarantadong pulis gayong pinatay na nila ito sa mismong araw na siya ay dinukot. Ang orihinal na halagang hinihingi ng mga pulis na gumamit ng âTokhang Operationâ tungkol sa illegal drugs, ay P8 milyon, pero tumanggi na ang asawa ng Koreano na magbigay at nag-report sa pulis.
Sa puntong ito, hiningi ni Speaker Pantaleon Alvarez na magbitiw si Gen. Bato dahil parang âpinaglalaruanâ lang siya ng kanyang mga tauhan at mismong sa kanyang âkaharianâ pa isinagawa ang krimen. Sa Tagalog, para siyang iniputan sa ulo ng manok o sa mag-asawa ay ânatorototâ kahit lalaking-lalaki, maskulado na tulad ni American actor Van Diesel.
Tugon ni Bato kay Alvarez: âKung si presidente ang mag-uutos na magbitiw ako, susundin ko.â
Dapat tandaan ng lahat ito: Tiyak na hindi pagbibitiwin ni PDu30 si Gen. Bato dahil âbataâ niya si Kalbo, este Gen. Dela Rosa. Kung si ex-PNP 8 CIDG chief Supt. Melvin Marcos na nag-raid at nakapatay kay Mayor Rolando Espinosa sa loob ng bilangguan ay ayaw makulong, lalo na si Bato. Sina Mano Digong at Gen. Bato ay magkadikit.
Siyanga pala, may bagong salita ngayon. Ito ay ang âTokhang for Ransomâ. Ang âTokhangâ ay unang ginamit laban sa mga drug pusher at user. Naging âTokhang Double Barrelâ ito, para sa ordinaryong pushers/users at sa mayayaman, celebrities atbp. Ang Operation Tokhang pala ay kakatukin ka at pakikiusapang sumuko at tigilan ang shabu.
Ngayon naman ay may tinatawag na âTokhang-for-Ransomâ, bagong modus operandi na ang target ay mayayamang negosyante, Chinese nationals atbp. Dahil mismong sa Camp Crame naganap ang krimen, gusto ni Bato na matunaw na siya dahil sa kahihiyan. Ginagamit daw... ang operasyong ito bilang maskara laban sa illegal drugs, pero ang talagang target ay mandukot ng mayayaman.
Inihayag ni Teresita Ang See ng Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO), na may 11 insidente ng pagdukot sa Binondo, Maynila, na ang mga biktima ay pawang Chinese national (hindi mga Tsinoy) na nagbayad ng ransom na umaabot sa milyun-milyong piso. Takot silang mag-report sa pulisya sa pangambang pati pamilya nila ay madamay. Nais ni Sen. Ping Lacson na imbestigahan ito. (Bert de Guzman)