SUMANDAL ang Café France sa giting ng mga bagitong sina Michael Calisaan at Paul Desiderio nang pataubin archrival Tanduay ,83-67, nitong Lunes sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagsanib puwersa ang dating San Sebastian forward na si Calisaan at ang dating University of the Philippines guard at UAAP Season 79 Mythical Five member na si Desiderio para maiposte ang pinakamalaking bentaheng 26- puntos, 61-35, tungo sa dominanteng panalo.

Tumapos si Calisaan na may 23 puntos at pitong rebound, habang nag- ambag naman si Desiderio ng 16 puntos at anim na rebound.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“My recruits stepped up and that’s the positive for us. Hopefully, that continues and everybody starts jelling,” pahayag ni coach Egay Macaraya. “If that happens, it will be a good season for us.”

Ginamit ang kanilang full court press, nagawang dumikit ng Tanduay at tapyasin ang kalamangan ng Bakers sa 61-67 bago kumilos si Desiderio upang tiyakin ang panalo.

Nakibalikt din si Congolese big man Rod Ebondo na kumubra ng 15 puntos.

Iskor:

CAFE FRANCE (83) - Calisaan 23, Desiderio 16, Ebondo 15, Casino 9, Gabriel 4, Jeruta 4, Arim 3, Faundo 3, Manlangit 3, Wamar 3, Aquino 0, Guinitaran 0, Veron 0.

TANDUAY (67) - Quinto 12, Cruz 11, Reyes 11, Sanga 11, Eguilos 6, Moralde 6, Santos 4, Cenal 2, Ibay 2, Sollano 2, Palma 0.

Quarters:

21-28, 43-30, 65-53, 83-67.

‘Sweep’ naitala ng Junior Pirates sa NCAA

GINAPI ng Lyceum of the Philippines ang San Sebastian, 25-8, 25-15, 25-18, nitong Lunes para makopo ang championship berth sa junior division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

Hataw si Genesis Allan Redido sa naiskor na 15 hits, habang kumubra sina Juvic Colina, skipper Allen Angelo Calicdan at Valeriano Sasis III sa pinagsamang 28 puntos para makumpleto ang seven-game sweep sa elimination round at makamit ang bentaheng ‘thrice-to-beat’ sa championship round.

“The team worked hard for this and we need to work harde to achieve bigger things,” sambit ni LPU coach Reynaldo Colima.

Hinihintay ng LPU ang makakalaban sa finals. Sa kasalukuyan, naghahabulan para sa second final berth ang Emilio Aguinaldo (6-1), defending champion Perpetual Help (4-2) at Arellano U (4-2). (Marivic Awitan)