Patay ang isang tatlong-buwang sanggol matapos masunog ang kanilang bahay sa Pontevedra, Negros Occidental nitong Lunes.

Ayon sa ulat ni SFO2 Jerick Barbas, arson investigator ng Pontevedra Bureau of Fire Protection, nabigong mailigtas ni Ma. Felicidad Dimaala ang anak na si Cyphil Dimaala dahil malaki na ang pagliliyab sa bahaging tinutulugan ng sanggol.

Dakong 9:42 ng umaga nang mangyari ang sunog ngunit hindi ito namalayan ng ginang dahil maingay ang washing machine na ginagamit niya noon sa paglalaba, ayon kay SFO2 Barbas.

Batay sa pagsisiyasat ng imbestigador, nagmula ang apoy sa nag-overheat na ceiling fan na nasa silid kung saan natutulog ang sanggol.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Umabot sa P500,000 ang halaga ng natupok sa sunog. (Fer Taboy)