Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

3 n.h. -- JRU vs Blustar

5 n.h. -- Cignal-San Beda vs AMA

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

MASUNDAN ang impresibong opening game win ang target ng AMA On-Line Education sa pakikipagtuos sa Cignal-San Beda ngayon sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Isa na namang pagsubok ang haharapin ng Titans, partikular ang kanilang bagong recruit at top pick na si Jeron Teng na impresibo sa una nitong laro sa liga matapos gumawa ng 42 puntos, pitong rebound at anim na assist upang pangunahan ang koponan sa bagitong Batangas side.

Tulad ng Batangas, baguhan sa liga, ngunit maraming beteranong player sa koponan ng Cignal-San Beda kabilang na ang nagbabalik na head coach na si Boyer Fernandez, itinuturing ‘winningest coach’ sa liga tangan ang anim na titulo.

Bagamat bago ang kompoosisyon ng kanyang koponan, nangako si Fernandez na sisikapin niyang gawin itong palaban sa pangunguna nina collegiate standouts Javee Mocon, Davon Potts, Monbert Arong at Jason Perkins.

Bukod kay Teng,sasandigan ni coach Mark Herrera upang makamit ang ikalawang dikit na panalo sina Jay-R Taganas, Ryan Arambulo at Juami Tgiongson.

Mauuna rito, sasalang din sa unang pagkakataon gaya ng Hawkeye's ang Jose Rizal University kontra guest squad Blue Star Detergent ganap na 3:00 ng hapon.

Inaasahang pangungunahan ang tropa ni coach Vergel Meneses ng mahuhusay na guard tulad nina Tey Teodoro at Paulo Pontejos.

Ang laro, ang magiging ikalawang sunod ng Dragons na habang isinasara ang pahinang ito ay nakasalang sa una nilang laban kontra Racal. (Marivic Awitan)