MAY pagkakataon ang Gilas Pilipinas 5.0 na makapaglaro sa harap ng nagbununying home crowd matapos ibigay sa Pilipinas ang hosting para sa 2016 Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Championship.

Kinumpirma ni National team coach Chot Reyes sa kanyang mensahe sa Twitter account@coachot nitong Lunes ang pagiging punong-abala ng bansa sa prestihiyosong torneo sa rehiyon.

Nakatakda ang SEABA tilt sa Abril 23-30 kung saan ang kampeon ay mabibigyan ng awtomatikong slot sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Beirut, Lebanon sa Agosto.

Ayon kay Reyes, ang ganitong balita ay tiyak na magdadala ng kasiyahan sa Pinoy basketball fans.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Of course malaking bagay para sa ating mga kababayan.but for our players as well. It’s always nice to play in front of your home crowd,” pahayag ni Reyes.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios, kailangang ipadala nila ang sulat para sa intensyon na mag-host kay SEABA president Eric Tohir.

“So unless we have it in writing, then it’s not yet final,” aniya.