Nasa kritikal na kondisyon ang isa sa mga miyembro ng Philippine Army (PA) matapos mabaril ng mga rumespondeng pulis sa Pasay City, nitong Linggo ng gabi.

Nakaratay sa Philippine General Hospital (PGH) si Major Elmer Payot, 44, ng Progreso Street, Barangay 20, Pasay City, sanhi ng dalawang tama ng bala sa dibdib.

Sa ulat ni Pasay City Police chief Senior Supt. Lawrence Coop, dakong 11:51 ng gabi nag-iinuman ang biktima at ang mga nangungupahan sa Progreso St., Bgy. 20 ng naturang lungsod.

Bigla na lang bumunot ng kalibre .45 baril si Payot at makailang beses nagpaputok.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Natakot naman ang mga residente sa lugar at agad humingi ng tulong sa mga barangay tanod na nag-ulat sa pulisya hinggil sa insidente.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-Buendia subalit maagap na pumasok sa apartment ang suspek at nagbantang babarilin ang kanyang mga border.

Napilitan ang mga pulis na pasukin ang apartment ngunit pinaputukan sila ng suspek at dito na nagdesisyon ang awtoridad na barilin si Payot.

Narekober sa loob ng kuwarto ng suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Kasong serious illegal detention, attempted homicide, discharge of firearm, at paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at Republic Act of 9165 ang isasampa laban kay Payot. (BELLA GAMOTEA)