Nanawagan si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa media na maging responsable at patas sa pamamahayag at iwasan ang misleading clickbait headlines.
Aminado si Andanar, dating broadcaster ng TV5, na ang media entities ay naglalathala ng mga interesanteng headline upang maagaw ang atensyon ng mga mambabasa at kumita, ngunit hinikayat niya sila na tiyakin na malinaw, totoo at tumpak ang mga headline lalo na’t karamihan ng mga tao sa ngayon ay hindi na binabasa ang kabuuan ng istorya.
“You have to accept reality that people no longer read the newspaper at length. Ang binabasa talaga yung mga short titles lang,” ani Andanar sa isang video sa Facebook habang nagbibisita sa New York City.
“So what do you do if you’re a responsible journalist? For Christ’s sake, what you do is you have to adjust, you have to adapt to the reading pattern, reading style of your audience. That is responsible journalism,” aniya.
Ikinalungkot ni Andanar na ang ilang headline ay hindi isinasama ang mahahalagang impormasyon at nililigaw ang mga tao. “What I’m against is when you create headlines na bitin. Bitin po ang headline. Kapag sinabi ni Presidente na he will declare martial law if naging virulent ang problema sa droga and then you put on the headline ‘Duterte to declare martial law.’ That’s unfair,” aniya.
“I don’t want a fight against media, I’m from the media, but when you do this often then you are sowing discontent, you are inciting conflict with the people,” dagdag niya.
TROLLS ‘GO TO HELL’
Hindi rin pinalampas ni Andanar ang social media trolls at iba pang detractors na nagpapakalat ng black propaganda upang pabagsakin ang pamahalaang Duterte.
“For those trolls who are out to destroy our government, you all go to hell,” aniya.
Idiniin niya na sa kabila ng negatibong online campaign, tinatamasa ng Pangulo ang tiwala at suporta ng karamihan ng mga Pilipino batay sa mga survey kamakailan.
“Even though we are battered in the mainstream media, bashed by trolls, nobody believes them. 80 percent of our population support the President,” aniya.
Natuto na rin si Andanar na dedmahin ang pag-atake ng trolls at pagtuunan na lamang ng pansin ang kanyang trabaho.
“I don’t read them anymore because it distracts you, it stops from you from whatever policies and programs you’re doing for government,” aniya. (Genalyn D. Kabiling)