IPINAALAM ni Baron Geisler sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Facebook account na pumanaw na ang kanyang ina na si Gracia Geisler, kahapon.

“Our dearest mom went back to heaven last night to join our Creator. She will no longer feel the pain of her illness that made her suffer for quite sometime now, and for that, I’m glad,” saad ni Baron sa kanyang post.

Ayon sa Push entertainment website, sinabi ni Baron na cancer at mga komplikasyon nito ang ikinamatay kanyang 60 taong-gulang na ina.

Ibuburol ang mga labi ni Gng. Geisler sa St. Louie Memorial Chapel sa Mabalacat, Pampanga hanggang Biyernes.

Relasyon at Hiwalayan

Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na

(DIANARA T. ALEGRE)