KRIS copy

TINUPAD ni Kris Aquino ang pangako sa sarili na mag-isa siyang pupunta ng Italy, ang center of Catholic faith na nasa bucket list niya.

Natuwa raw siya nang mapanood niya ang magagandang view sa Imagine You & Me movie nina Alden Richards at Maine Mendoza na kinunan doon, particularly sa Lake Como na naging location din ng ilang Hollywood movies.

Pero hindi lamang magagandang view ang gusto talagang puntahan ni Kris kundi ang beautiful churches doon. Kaya umalis siya for the first time na hindi kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“The 2 boys allowed me to make this journey so I could finally visit the places of worship I’ve been talking about wanting to pray in for so long,” banggit ni Kris sa kanyang post sa Instagram earlier this month.

Sa kanyang post pag-alis last week, sinabi niya na travel light lamang siya dahil gusto niyang mapuntahan ang lahat ng mga simbahan na ni-research niya bago siya sumige sa kanyang pilgrimage.

“Raffaele (their Italian tourist guide) brought us around the list of Rome Churches I researched to see & pray in.

What a faith reaffirming experience to be in such beautiful places of worship,” caption ni Kris sa kanyang unang Flipagram post na kuha sa iba’t ibang simbahan.

Nalaman sa pangalawang post niya via Flipagram application uli na bukod sa churches and chapels sa loob ng Vatican, pinuntahan din niya ang Church of St. Francis & St. Clare, St. John Lateran Basilica, Basilica of St. Paul.

Nakakahawa ang good vibes ni Kris kapag pinanonood ang mga ipinopost niyang photos sa Instagram. Magnificent talaga ang magagandang churches sa Italy, nakakamangha ang ganda at arkitektura ng mga ito.

Katunayan, after one day, ang kanyang unang Flipagram post ay mayroon nang 156,665 views. Ang pangalawa nang i-post kahapon ay mayroon namang 48,933 views after four hours.

Nag-post din si Kris ng view mula sa kanyang hotel balcony na may napakagandang fountain.

Sinasamantala ni Kris ang pagkakataon habang wala pa siyang trabaho sa harap ng kamera. (NORA CALDERON)