BATANGAS CITY - Patay ang isang dating jail warden ng Batangas Provincial Jail matapos umanong pagbabarilin habang naglalakad sa Batangas City noong Linggo.

Dead on arrival sa St. Patrick Hospital si Renato Calingasan, 56, ng Barangay Bolbok, Batangas City.

Ayon sa report ng Batangas City Police, bandang 1:15 ng hapon nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek ang biktima habang naglalakad sa Sitio Maligaya sa Bgy. Cuta.

Sinabi naman ni Supt. Bernard Danie Dasugo, hepe ng pulisya, na nakatanggap sila ng impormasyon na nahuli sa droga si Calingasan sa Lipa City noong 2015. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito