Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang Department of National Defense (DND) at local government units (LGUs) sa mga paglabag sa paggamit ng bilyun-bilyong Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) noong 2015.

Sa inilabas na consolidated report ng COA sa DRRMF, natuklasan na aabot lamang sa 48.19 porsiyento ng nakalaang pondo ang nagastos noong 2015 ng mga LGU sa National Capital Region (NCR), Region IV-A, Region 1, Region 5, Region 4-B, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon sa COA, hindi tumalima ang 183 LGU Republic Act 10121 (Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010) na illipat sa special trust fund ang hindi nagamit na P3.05 bilyon sa LDRRMF.

“The law states that an LGU shall deposit unspent funds to a special trust fund to support disaster risk reduction and management activities within the next five years,” pahayag ng COA.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nabigo rin ang 22 LGU na ilaan ang P124.946 milyon sa disaster risk management activities, salungat sa nakasaad sa RA 10121 na nagsasabing dapat maglaan ng 5% ng kanilang kita ang mga lokal na pamahalaan para sa pagtugon sa kalamidad. (Rommel P. Tabbad)