KUNG may awards na ibinibigay sa mga artistang dedicated sa pag-aalaga sa kanilang kalusugan, tiyak na isa sa mga tatanggap ng parangal si Andrea Torres.

Kahanga-hanga ang disiplina na ibinibigay ng mahusay na aktres sa sarili. Ibinahagi kasi ni Andrea sa Instagram na sinisimulan niya ang araw sa pag-eehersisyo, at pinatutunayan ito mismo ng photos na ipino-post niya.

Kaya naman pala seksing-seksi ang dalaga, dahil hindi siya pabaya sa kanyang katawan.

Kailangang maging fit si Andrea dahil kinakailangan ito sa kanyang role sa Alyas Robin Hood na lagi siyang napapasabak sa action scenes.

Tsika at Intriga

Gretchen Ho, may hirit tungkol sa pagiging 'bias'

Bilang Venus, minahal siya ni Pepe (Dingdong Dantes) dahil ipinapakita niya na independent siyang babae.

Inaabangan ngayon ng avid viewers ng Alyas Robin Hood sa Telebabad kung saan mauuwi ang punumpuno nang galit ni Venus sa pag-aakalang inagaw na ni Sarri (Megan Young) si Pepe kanya. (ADOR SALUTA)