Magpapatupad ng dagdag-presyo sa gasolina ang mga kumpanya ng langis sa bansa. sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.
Sa abiso ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Enero 24 ay magtataas ito ng 60 sentimos sa kada litro ng gasolina habang walang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene nito.
Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kaparehong dagdag-presyo sa gasolina kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.
Ang bagong price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. (Bella Gamotea)