Sa kulungan ang bagsak ng dalawang holdaper ng pampasaherong bus matapos silang arestuhin ng mga pulis sa tangkang pagtangay sa cell phone ng isang 60-anyos na pasahero sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Naghihimas na ngayon ng rehas sina John Bermundo, 37, at Anjo Antioquia, 26, kapwa residente ng Presidential Road, Barangay Batasan Hills, matapos tangkaing pagnakawan si Milagros Supil habang bumibiyahe sa EDSA.

Sa salaysay ni Supil, siya ay nakaupo sa gitna ng mga suspek sa isang bus na biyaheng Baclaran. Bandang 9:00 ng gabi, pagsapit sa isang palengke sa Cubao, nang tutukan siya ng patalim ni Bermundo at nagdeklara ng holdap.

Habang si Antioquia naman ang kumuha ng kanyang cell phone.

National

Meralco, may tapyas-singil sa kuryente ngayong Hunyo

Matapos makuha ang pakay, pinahinto ng mga suspek at bus at bumaba ng parang walang nangyari.

Ngunit hindi nagpatalo si Supil at siya’y bumaba sa bus at humingi ng tulong.

Mabuti na lamang at may mga pulis na nagpapatrulya noong mga oras na iyon at siya’y narinig dahilan upang habulin nila ang mga suspek at mahuli. (Vanne Elaine P. Terrazola)