Natuldukan na ang buhay ng isang lalaki na bukod umano sa pagiging tulak ng droga ay sinasabing miyembro rin ng Akyat-Bahay gang, matapos itong mapatay nang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Ricky Pahati, alyas “Echo”, 32, ng Barangay 59, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa report, bandang 1:55 ng umaga nang mangyari ang krimen.

Nabatid na isang concerned citizen ang tumawag sa Police Community Precinct (PCP)-2 upang i-report ang paggala umano ni Pahati sa kalsada habang may bitbit na baril.

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Nagresponde ang grupo ni PO2 Angelito Pino sa lugar ngunit pinaputukan umano sila ni Pahati, na kaagad naman nilang ginantihan hanggang sa mapatay ang suspek.

Ayon kay Salvador Balatbat, kagawad ng Bgy. 59, bukod sa nasa drug watchlist si Pahati dahil sa pagtutulak ng droga ay nanloloob din ito, at matinding sakit sa ulo sa kanilang lugar. (Orly L. Barcala)