Nakaamba ang panibagong oil price hike sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng magtaas ng 50 sentimos ang kada litro ng gasolina at 10 sentimos sa kerosene, habang hindi naman inaasahang tataas ang presyo ng diesel.

Ang napipintong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa datos ng Department of Energy (DoE), ang kasalukuyang presyo ng diesel sa Metro Manila ay nasa P27.60 hanggang P33.55 kada litro, habang P36.34-P48.44 naman ang gasolina. (Bella Gamotea)

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar