HINDI kasali si Sylvia Sanchez sa teleseryengMy Dear Heart, pero panay ang promote niya sa kanyang social media accounts dahil kasama ang anak niyang si Ria Atayde.

Abut-abot ang pasalamat ni Ibyang sa Dreamscape Entertainment na kinuha nila si Ria para sa cameo pero importanteng role. Nagpapasalamat din siya kay Ms Coney Reyes na pinakitunguhan ng maganda ang anak niya at pinuri pa ang ugali.

Kung masayang-masaya si Ibyang, doble naman ang tuwa ni Ria na nakakatrabaho niya si Ms. Coney.

Hindi naiwasang tanungin si Ria sa grand presscon ng My Dear Heart kung pressured ba siya ngayon na parehong umeere ang serye ng nanay (The Greatest Love) at ng Kuya Arjo(Atayde, FPJ’s Ang Probinsyano) niya na parehong nagte-trending worldwide.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nakapag-Maalaala Mo Kaya ang baguhang aktres at nanalo bilang Best New Female Personality sa nakaraang Star Awards for TV at lumabas na rin siya sa Ningning bilang Teacher Hope at napasama sa ika-100 episodes ng Ipaglaban Mo noong nakaraang taon.

“Kahit po nakalabas na ako sa teleserye, parating may pressure kasi ang galing naman talaga nina Mommy at Arjo.

They’re both very supportive in terms of what I do. They don’t judge, they don’t tell me that what I’m doing is wrong. Ang ginagawa lang nila is gina-guide lang nila ako.”

Ang ipinagpapasalamat ng dalaga ay maraming nagsasabi na darating ang tamang panahon niya para sumikat din katulad ng kuya at mama niya.

Bilang anak ni Ms. Coney Reyes sa My Dear Heart, hindi ba nai-intimidate si Ria? Kilala kasing mataray ang batikang aktres.

“I wasn’t naman indimidated because she was very sweet. Sa text pa lang, nagkakilala na kami. Feel mo na ‘yung warmth niya and so I was at home agad.

“Prior to the show, Tita Coney texted my mom about our family na she’s happy. Kasi si Tita Coney, siya ‘yung unang nagbigay ng chance kay Mommy na mag-drama, sa Coney Reyes on Camera. That was the first time that they took my mom seriously kaya naging dramatic actress siya.

“Kaya she texted my mom na natutuwa siya na iyon na ang narating ng mommy ko at ‘yung mga anak niya na nasa showbiz na rin.

“Ito naman si Mommy sinabi niya na i-text n’yo si Tita Coney n’yo at mag-thank you kayo.

“So, prior from auditioning for the role, nag-text agad ako kay Tita Coney telling her na kapag nakuha ko ang role, magiging anak niya ako rito sa My Dear Heart, ‘tapos sabi nga po niya, ‘If it’s God’s plan, it will be yours. But I will pray for a good outcome,” kuwento ni Ria.

Tinanong din si Ms. Coney sa masasabi naman niya sa baguhang aktres.

“I guess it’s natural for a young actress like her coming from a family of renowned actors to be compared to... like her mother and brother, I think she will shine on her own time. She will, because she works hard and I could already feel her love para sa trabaho niya, eh. 

“Iba kasi ‘yung nararamdaman mo na ang bata gusto lang kumita ng pera, Iba ‘yung gusto lang sumikat. Iba ‘yung batang alam mo na gustong karerin ang ginagawa, may passion siya for that. And Ria is one of those young actresses,” papuri ng beteranang aktres sa bagets. (REGGEE BONOAN)