KABILANG sina La Salle guard Kib Montalbo at Davon Potts ng San Beda sa pagkakalooban ng citation sa idaraos na UAAP and NCAA Press Corps Collegiate Basketball Awards sa Enero 26 sa Montgomery Place Social Hall sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.

Sina Montalbo at Potts ay gagawaran bilang Pivotal Player sa event na itinataguyod ng Smart, Accel, Mighty Sports, MJM Productions at Chooks to Go dahil sa kanilang mahalagang papel na ginampanan sa title run ng kani- kanilang koponan sa ligang kanilang kinabibilangan.

Instrumento ang defensive-minded na si Montalbo sa pagwalis ng La Salle sa kanilang archrival Ateneo ss finals upang maangkin ang titulo ng UAAP habang malaking papel naman ang ginampanan ni Potts para sa pagbawi ng San Beda sa korona matapos walisin ang Arellano University.

Kasama nilang bibigyan ng parangal ang kakampi ni Potts na si Robert Bolick at Isaac Go ng Ateneo bilang Impact Players ,University of the Philippinesard Paul Desiderio bilang Chooks to Go Breakout Player, at teammate niyang si Jett Manuel at Far Eastern University skipper Raymar Jose bilang Super Senior at si Adamson slotman Papi Sarr bilang Mr. Efficiency.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasama si Desiderio sa UAAP Mythical Five selection matapos muntik nang umabot ang UP sa Final Four sa unang pagkakataon mula noong 1997 habang hindi naman matatawaran ang ipinakitang laro nina Manuel at Jose sa kanilang huling taon sa UAAP.

Pumangalawa naman si Sarr sa UAAP Most Valuable Player race dahil sa consistency na kanyang ipinamalas upang ihatid ang Adamson sa ikalawang pagkakataon sa Final Four kasunod ang nauna nilang appearance noong 2011.

Nangunguna sa listahan ng mga awardees sina Coach of the Year winners Aldin Ayo at Jamike Jarin at Mighty Sports Collegiate Mythical Five members na sina Jeron Teng, Ben Mbala, Jio Jalalon, Allwell Oraeme at Javee Mocon.

Nakatakda ring igawad ang parangal bilang Smart Player of the Year na pipiliin mula sa Collegiate Mythical Five.

(Marivic Awitan)