DAVAO CITY – Sinagip ng isang pulis ang ibon na Brahminy kite o Lawin mula sa pag-iingat ng isang batang lalaki sa Malita, Davao Occidental.

Sinabi ni SPO1 Jeffrey Bugaoisan sa paslit na higit na maaalagaan ng gobyerno ang ibon sa mga pasilidad na inilaan para rito.

Nabatid na Enero 16 pa nasa pangangalaga ng bata ang Lawin matapos itong matagpuang nanghihina malapit sa isang palaisdaan sa Sitio Manga, Barangay Kidalapong sa Malita.

Ayon naman kay Davao Occidental Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) OIC Chief for Forest Management Service Laureano T. Quijano, ililipat nila sa Philippine Eagle Center sa Davao City ang ibon para sa gamutan nito. (Yas D. Ocampo)

Probinsya

Nasakoteng drug suspect patay matapos bumangga sinasakyang police mobile