Kris lang copy

NASA Italy na si Kris Aquino para tuparin ang isa sa mga nakasaad sa kanyang bucket’s list -- ang pilgrimage sa sentro ng Simbahang Katolika. 

Hindi man sinasabi ang kanyang exact location, nalamang nasa Rome siya dahil sa ipinost niyang picture.

Nahulaan ng mga nakapunta na at pamilyar na sa Rome kung saan kinuha ang picture na ipinost niya sa Instagram.

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

Sa post pa rin ni Kris, kasama niya sa kanyang pagbibiyahe sa Italy ang kaibigan niyang si Gary Garcia. Naalala namin, sinamahan din siya ni Gary sa check-up niya sa San Francisco, California some months ago.

Samantala, palaisipan pa rin sa followers ni Kris kung sino ang tinutukoy niya sa post niyang verse mula sa Eternal Sunshine of the Spotless Mind. Ang caption ni Kris ay “Someday...”

“We met at the wrong time. That’s what I kept telling myself anyway. Maybe one day years from now, we’ll meet in a coffee shop in a far away city somewhere and we could give it another shot.” (NITZ MIRALLES)