Pinagsasapak hanggang sa mapatay ng isang grupo ng kalalakihan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Barangay 120 sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, natagpuang walang buhay ang biktima bandang 10:00 ng gabi sa 2nd Avenue sa nasabing barangay.

Sinabi ng pulisya na noong una ay inakala nilang namatay sa atake sa puso ang biktima, ngunit nagkamali sila.

Batay sa closed-circuit television (CCTV) camera footage ng Bgy. 120, nakitang pinatay sa suntok ang biktima ng tatlong lalaki, ayon sa pulisya.

Kabataan Party-list, pinatalsik miyembro na inakusahang nanggahasa

Nakita sa footage na nilapitan ng tatlong suspek ang biktima, isa sa mga ito ang sumampal sa lalaki habang pinagtulungan na siyang suntukin ng dalawa pa.

Napalupasay na sa lupa ang biktima ngunit hindi pa rin siya tinigilan ng mga suspek, na pinagtatadyakan pa siya bago nagsikatakas. (Jel Santos)