Magdadala ng suwerte ngayong 2017 ang pagsusuot ng pulang damit at pagkakaroon ng 12 masusuwerteng prutas sa Chinese New Year, ayon sa kilalang feng shui expert.

“Red is a happy color that’s why people who will wear red clothes will have a bright future this year,” saad ni Feng Shui Master Hanz Cua sa eksklusibong panayam sa Mandaluyong City.

Ang bisperas ng Chinese New Year ay sa Biyernes, Enero 27, habang magsisimula naman ang Year of the Fire Rooster sa Sabado, Enero 28.

Hinikayat din ni Cua ang publiko na maghain ng 12 masusuwerteng pruras sa Chinese New Year.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Itinuturing na magdadala ng suwerte ngayong Year of the Fire Rooster ang pinya, orange, mansanas, ubas, saging, mangga, lemon, pakwan, papaya, lychee, avocado, at pomelo.

Nagbahagi rin si Cua ng practical tips sa pagsalubong ng Chinese New Year para matiyak na masagana at positibo ang buong taon, ayon sa kanyang librong “Master Hanz Cua Feng Shui 2017 Book.”

Ito ay ang mga sumusunod:

1)Huwag mag-general cleaning sa bahay sa Enero 28 dahil itataboy nito ang suwerte.

2)Sa bisperas ng Chinese New Year, dapat na magsama-sama sa hapunan ang pamilya bilang simbolo ng pagiging malapit sa isa’t isa.

3)Punuin ng Mandarin orange ang bowl sa mesa at ipamigay sa miyembro ng pamilya habang naghahapunan.

4)Kung may panahon, bisitahin ang mga kaibigan at ipagdiwang ang Chinese New Year kasama sila.

5)Itago ang matutulis na bagay, tulad ng mga kutsilyo, blade, at gunting sa Chinese New Year dahil itinuturing ito na hindi suwerte.

6)Bayaran ang mga utang o loan.

7)Gumamit ng fireworks para itaboy ang masasamang espiritu.

8)Maghain at kumain ng isda, spring rolls, dumplings at rice cakes.

9)Magtungo sa simbahan at ipagdasal na maging maginhawa ang buong taon. (Robert R. Requintina)