Hinimok ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang mga employer na magsagawa ng sariling random drug test sa kanilang mga manggagawa upang matiyak ang drug-free workplace.

“I am urging all establishments to implement this drug-free policy to ensure that workplaces are free from the detrimental effects of drug abuse,” pahayag ni Bello.

Sa ilalim ng Department Order No. 53-03, inaatasan ang lahat ng kumpanya sa pribadong sektor na may 10 o higit pang manggagawa na bumuo ng kanilang sariling mga patakaran sa mga programa at polisiya laban sa droga.

Pamumunuan din ng mga kumpanya ang pagkakaroon ng sariling random drug testing sa kanilang mga empleyado sa ilalim ng Drug Testing Program alinsunod sa pamamaraan na itinakda ng Department of Health (DOH). (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'