Nilalapatan ngayon ng lunas sa ospital ang isang 51-anyos na lalaking sumuko sa Oplan Tokhang matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad pauwi sa kanyang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa likod at kaliwang kamay si Ruben Carpio, walang hanapbuhay, ng Gagalangin, Tondo.

Batay sa ulat ni Supt. Robert Domingo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 1, dakong 1:20 ng umaga at naglalakad pauwi si Carpio sa Cavite Street nang huminto sa tapat niya ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at kapwa nakasuot ng crash helmet.

Bumunot ng baril ang nakaangkas at kaagad na pinaputukan si Carpio ngunit hindi pumutok ang baril, na tinangka pang agawin ng biktima, kaya muli siyang pinaputukan at tuluyang nabaril.

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Dahil isang drug surrenderer, may hinala ang mga awtoridad na posibleng may kinalaman sa droga ang pamamaril.

(Mary Ann Santiago)