Laro Ngayon
(Ynares Sports
Arena, Pasig)
3 n.h. -- Blustar vs Racal
5 n.h. -- Cafe France vs Tanduay
MULING bubuhayin ng Cafe France at Tanduay ang masidhing karibalan sa maagaang paghaharap sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena in Pasig.
Mistulang bagong bihis ang Bakers ni coach Egay Macaraya, ngunit kumpiyansa siya na makakasabay sa sistema ang bagong recruit niyang sina Paul Desiderio at Michael Calisaan.
“This is a very interesting game for us. It’s youth versus experience but as I’ve always said, we will give them a good fight and just hope for a positive result,” pahayag ni Macaraya.
Sa kabila ng pagbabago, nananatili namang moog ng Cafe France si Rod Ebondo.
Maging si Tanduay coach Lawrence Chongson ay nakatuon din ang pansin kung paano malilimitahan ang matikas na Congolese forward ng Bakers.
“Ebondo will be the biggest thorn for us to hurdle. Matinding pagsubok agad ang pagdadaanan namin against a perennial D-League contender in Cafe France,” aniya.
Umaasa si Chongson na magagawa nilang mapunan ang anumang pagkukulang para madepensahan si Ebondo, higit mas tumaas ang kompetitibong aspeto ng Rhum Masters, sa pangunguna ni Mark Cruz.
“We’ll just have to rely on our own team build-up and the process that we undertook these past 50 days. Hopefully, we’ll just continue to grow as a team as the long season rolls along,” pahayag ni Chongson.
Nakatakda ang sagupaan ganap na 5:00 ng hapon matapos ang opener match sa pagitan ng Racal Ceramica at guest team Blustar Detergent sa 3:00 ng hapon.
Inamin ni Tile Masters mentor Jerry Codinera na mahirap magkumpiyasan laban sa Dragons na binubuo ng mga miyembro ng Malaysian youth team.
“We will play conservatively against them,” aniya. (Marivic Awitan)