Nasunog kahapon ang bunkhouse ng mga trabahador ng isang trucking company sa Sta. Ana, Maynila dahil umano sa nag-overheat na bentilador.

Batay sa ulat ng Manila Fire Department (MFD), dakong 6:05 ng umaga nang lumikha ng matinding tensiyon ang sunog sa barracks ng mga trabahador ng C.B. Barangay Enterprises Towing and Trucking Services, Inc. sa Sagrada Pamilya Street sa Sta. Ana.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa nag-overheat na electric fan na nasa kuwarto ng isang Max Montemor sa ikalawang palapag ng bunkhouse, na gawa sa container van at mga kahoy.

Sampung silid ang tinupok ng apoy ngunit hindi na ito kumalat pa sa mga katabing bahay, partikular na sa katabing bahay-ampunan na Missionaries of the Poor, dahil kaagad na nakontrol ang sunog hanggang tuluyang maapula bandang 6:34 ng umaga.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa insidente, ngunit pansamantalang inilikas ang matatanda at mga batang kinukupkop sa nabanggit na ampunan, dahil na rin sa usok na nagmula sa bunkhouse. (Mary Ann Santiago)