BALAYAN, Batangas - Patay ang isang akusado na kabilang din sa drugs watchlist habang sugatan naman ang apat na taong gulang niyang anak, ang kanyang ina at isa pa matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Balayan, Batangas noong Sabado.

Dead on arrival sa Don Manuel District Hospital si Jonelle Balsimo, 30, ng Barangay District 9, habang tinamaan din ng bala ang apat na taong gulang niyang anak na lalaki; at ang ina niyang si Normita Balsimo, 58 anyos.

Sugatan din sa ligaw na bala si Edward Sistona, 36 anyos.

Ayon sa report ni PO3 Roderick Botavara, dakong 6:15 ng gabi at naglalakad ang mag-ina habang pasan ng biktima sa kanyang balikat ang anak nang pagbabarilin siya ng isa sa mga suspek.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid sa record ng pulisya na may kasong theft at robbery si Jonelle sa Balayan Provincial Prosecutor’s Office ng Regional Trial Court. (Lyka Manalo)