Handa ang mga pinuno ng Simbahang Katoliko na makipagdayalogo sa gobyerno kaugnay ng kontrobersiyal na kampanya kontra droga.

Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), interesado silang makipag-usap sa gobyerno hinggil sa isyu ngunit dapat muna nilang talakayin ang usapin sa kanilang mga sarili at mas mainam din kung padadalhan sila ng pormal na imbitasyon ng Palasyo hinggil dito.

“Mas maganda sana na may pormal na imbitasyon, na hindi lang nailabas sa media. We are interested to thresh out any differences that we have with President Rodrigo Duterte,” dagdag pa ni Secillano sa panayam ng radyo.

Iginiit din ng pari na tulad ng gobyerno, nais din nilang masolusyunan ang isyu hinggil sa ilegal na droga ngunit sa paraang taliwas sa kasalukuyang ipinaiiral ng gobyerno.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pumalag din si Secillano sa banat ng pangulo na binabalewala lang ng Simbahan ang kapakanan ng mga tao, at iginiitn na may mga ginagawa rin ang Simbahan upang tumulong sa problema sa droga, gaya ng mayroon silang drug rehabilitation facilities. (Mary Ann Santiago)