VATICAN CITY (AP) – Hihintayin muna ni Pope Francis kung ano ang gagawin ni U.S. President Donald Trump bago bumuo ng kanyang opinyon.
Sa isang panayam na inilathala noong Sabado ng Spanish newspaper na El Pais, sinabi ni Francis na ayaw niyang husgahan nang maaga ang tao. “We’ll see what Trump does.’’
Nang tanungin tungkol sa populist-style political leaders na umuusbong sa United States at Europe, nagbabala si Pope Francis laban sa paghahahanap ng tagapagligtas sa panahon ng krisis.
Sinabi niya na si Hitler noong 1930s sa Germany “was voted for by the people and then he destroyed the people.”