Nagkani-kaniyang takbo upang iligtas ang sarili ang mga empleyado ng isang pabrika ng aspalto nang biglang tupukin ng apoy ang gusali sa Valenzuela City, nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Fire Supt. Wilberto Rico Neil Kwan Tui, Valenzuela City Fire Marshall, bandang 2:35 ng hapon nang magliyab ang pagawaan ng aspalto sa I.T.C. Compound sa Barangay Bagbaguin ng nasabing lungsod.

Kuwento ng mga empleyado, nakita na lang nila na umuusok ang isang kuwarto sa ikalawang palapag ng pabrika kaya nagkani-kaniya na sila ng takbo palabas ng establisimyento.

Dali-daling nagresponde ang mga bombero sa sunog, na umabot sa Task Force Alpha, at makalipas ang tatlong oras ay idineklara nang fire out ang sunog.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente, habang aabot naman sa P15 milyon halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na electrical faulty wiring sa kisame ng ikalawang palapag ng pabrika ang sanhi ng sunog. (Orly L. Barcala)