Jackie at Melania copy

IPINAMALAS ng bagong US first lady na si Melania Trump na ang kanyang style icon ay si Jacqueline Kennedy sa pamamagitan ng kanyang kasuotan sa Inaugration Day ng asawang si Donald Trump nitong Biyernes.

Nakasuot ang first lady, 46, ng sky-blue na Ralph Lauren dress, na may double-faced jacket at three-quarter sleeves, na gawa rin ng naturang fashion label. Sinamahan pa niya ito ng gloves, stilettos, at eleganteng undo.

Samantala, dark suit naman ang kasuotan ng kanyang asawa, 70, na may midnight overcoat at scarlet tie.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pamilyar ang kasuotan ni Melania dahil halos kahawig ito ng kasuotan ni Jacqueline Kennedy-Onasis nang manumpa rin ang kanyang asawa nitong si John F. Kennedy noong 1961.

Gayunman, ayon sa grupo ni Melania, ang tunay na inspirasyon sa likod ng kasuotan ni Melania ay ang tao mismo na gumawa nito. “With the historic swearing-in of her husband, Donald J. Trump, as the 45th President of the United States, the First Lady-elect will become America’s new First Lady wearing an American designer who transformed American fashion, Ralph Lauren,” pahayag ng kanyang spokesperson. (US Weekly)