Target na mapababa ang personal income tax ng mga manggagawa sa isang bagong panukala na layuning madagdagan ang gastusin ng karaniwang empleyado, gayundin ang pondo ng gobyerno para sa mga pangunahing serbisyo.

Layunin ng House Bill 4688 (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) ni Albay Rep. Joey Salceda na mapababa ang personal income tax ng mga manggagawa at hangad ding magkaloob ng karagdagang P6,000 sa 7.5 milyong pamilya bawat taon, at P3,000 sa limang milyon pang iba.

Alinsunod sa panukala, lilikom ang gobyerno ng karagdagang P170 bilyon sa 2018 para sa mga proyektong imprastruktura, habang bababa naman ang income tax ng maraming Pilipino. (Beth Camia)

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya