Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa isang Facebook group na nagsusulong sa “dairy goat” bilang breastmilk substitute para sa mga sanggol, na isang paglabag umano sa Milk Code of the Philippines o Executive Order No. 51.

Sa Advisory No. 2017-001, nagbabala ang FDA laban sa Dairy Goat Philippines sa Facebook, dahil taliwas umano ito sa pagsusulong ng kahalagahan ng breastfeeding bilang sapat at ligtas na nutrisyon ng mga sanggol. (Mary Ann Santiago)

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao