Pansamantalang sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iisyu ng exemption sa Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o may kilala bilang number coding scheme, dahil sa maraming aplikasyon.

Kaugnay nito, inutos ni MMDA Officer-In-Charge at General Manager Tim Orbos na rebyuhin pa ang tambak na aplikasyon kasunod ng nasabing suspensiyon.

Ikinabahala ni Orbos na kung maiisyuhan agad ng exemption ang mga aplikante ay baka hindi mabawasan ang mga sasakyan sa lansangan at lalong malabong maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

“The volume of vehicles is there but we have to revisit the policies on the exemptions under the UVVRP because this might defeat the purpose of reducing the number of cars on the roads,” ani Orbos.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Aniya ang pag-isyu ng exemption ay hindi mandatory, subalit kailangang sumailalim muna ito sa ebalwasyon.

Pinaalalahanan din ng MMDA ang publiko na batay sa MMDA Memorandum Circular, kahit walang exemption certificate ay awtomatikong pinapayagan ang isang motorista na makadaan sa mga pangunahing kalsada kahit coding kapag may emergency at kung official at marked media vehicles at iba pa. (Bella Gamotea)