MELBOURNE, Australia (AP) — Sinibak ng pamunuan ng ESPN ang TV commentator na nagkomento na mistulang ‘gorilla’ ang kilos ni American record-breaker at dating No.1 Serena Williams sa laro sa Australian Open.

Humingi naman ng paumanhin ang dating tennis pro na si Doug Adler nitong Biyernes sa aniya’y maling gamit niya ng salita na dapat ay ‘guerrila tactics’ at hindi ‘gorilla’.

“I was speaking about Williams’ tactics and strategy and simply and inadvertently chose the wrong word to describe her play,” aniya.

Nagsasagawa ng play-by-play commentary si Adler sa ESPN sa laban ni Williams kontra Stefanie Voegele, nang kanyang mabigkas ang salitang gorilla nang magawang ma-saved ng American star ang service play ng karibal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umani ng negatibong reaksyon ang pahayag ni Adler sa social media kung saan hiniling ng maraming tagahanga ng African-American ang agarang pagpapatalsik sa komentarista.

Sa opisyal na pahayag ng ESPN sa The Associated Press, sinabing inalis na nila sa broadcast team si Adler.

“During an Australian Open stream on ESPN3, Doug Adler should have been more careful in his word selection. He apologized and we have removed him from his remaining assignments,” pahayag ng ESPN.