SA ipinamalas na kahusayan sa aspeto ng rebounding, itinuturing ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang kanyang guard na si Scottie Thompson bilang pinakamahusay na rebounding guard sa liga sa kasalukuyan.

Hindi lamang ito, naniniwala rin si Cone na kung magtutuluy-tuloy ang kanyang performance, hindi imposibleng magawa rin ni Thompson ang mga numerong itinatala ng kilalang NBA star na si Russel Westbrook bilang isang mahusay na all-araound player.

Makaraang tumapos na may 16 rebound sa nakaraang panalo kontra Meralco nagtala naman si Thompson ng 15 rebound sa kanilang nakaraang huling panalo (99-90) kontra Blackwater.

Dahil dito, naaalala ni Cone ang dating head coach ng Ginebra na si Sonny Jaworksi.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

“The only guy that I’ve seen that’s remotely like him is Sonny Jaworski,” wika ni Cone.“He’s still a few rungs below Sonny, but I think in terms of rebounding, they’re at par.”

“Scottie’s got a lot to prove before he can ever reach the heights of Sonny, but the rebounding part, he’s got that,” dagdag pa ng Kings mentor patungkol sa dating NCAA MVP mula sa University of Perpetual Help na tubong Digos City.

Sanhi ng kanyang impresibong rebounding, umangat si Thompson bilang third league leader sa nasabing aspeto ng laro kasunod ng mga lehitimong sentro na sina June Mar Fajardo (15.4) at Raymond Almazan (11.6) sa kanyang itinalang average na 10-9 rebounds kada laro.

Sa kanilang nakaraang laban kontra Elite, pinatunayan din ni Thompson ang kanyang pagiging mahusay na all around player sa itinala niyang 13 puntos, 7 assists at 2 steals sa loob ng 38 minuto.

Kaya naman hindi naiwasan ng kanyang mentor ang pagkukumpara sa kanya sa NBA star na si Westbrook.

“I don’t want to put a lot of pressure on Scottie, but I think eventually, he could end up putting up some Westbrook(Russel) numbers,” ayon kay Cone..

Marivic Awitan