Kani-kanyang pagpapapansin ang mga armadong grupo sa Mindanao upang makuha ang atensiyon at pagkilala ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), ayon kay Pangulong Duterte.

Sinabi ng Pangulo na nagpapaligsahan ang mga teroristang grupo sa Mindanao sa paniwalang kikilalanin ng ISIS ang pinakamarahas at pinakabrutal sa kanila.

“Abu Sayyaf have already pledged allegiance to the ISIS. Kaya nagbibidahan ‘yan sila, who is the more cruel and brutal? Because that would be the body that would favor the accreditation, ‘ika nga,” sinabi ni Pangulong Duterte sa oath-taking ng mga bagong opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Malacañang nitong Huwebes.

Una nang nagpahayag ng pakikipag-alyansa sa ISIS ang Abu Sayyaf Group, gayundin ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Sa mga inilunsad na opensiba ng militar laban sa Maute terror group sa Lanao del Sur, ilang beses na ring nakitaan ng watawat ng ISIS ang mga kuta ng grupo.

Nobyembre ng nakaraang taon nang kumpirmahin mismo ni Duterte na nakikipag-ugnayan na ang ISIS sa Maute, na itinuturong nasa likod ng pambobomba sa Davao City.

Kaugnay nito, sinabi naman kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tama lang na seryosohin ng Presidente ang banta ng ISIS sa bansa.

“I think we should not understate it. They (ISIS) are all over the world. They are active in Europe so they might have cells here. It’s the right attitude that we should not downplay it,” sabi ni Lorenzana.

(BETH CAMIA at ARGYLL CYRUS GEDUCOS)