SALCEDO, Eastern Samar – Nasagip ang isang sugatang dolphin na napadpad sa baybayin ng Salcedo, Eastern Samar, iniulat ng pulisya.

Ayon kay Chief Insp. Emerson Badilla, hepe ng Salcedo Police, nasagip ang dolphin sa baybayin ng Barangay Butig sa Salcedo, sa bahaging nakaharap sa Leyte Gulf.

Sinabi ni Badilla na ang dolphin, na may 29 na sentimetro ang diyametro at may habang mahigit isang metro, ay nakitang palutang-lutang at may mga sugat sa mukha, palikpik at sa iba pang bahagi ng katawan.

Makaraang gamutin sa mga sugat nitong hindi pa tukoy ang pinagmulan, kaagad ding ibinalik sa dagat ang dolphin, ayon kay Badilla. (Restituto A. Cayubit)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match