BUKOD sa beauty, naging batayan ang height ni Sophie Albert para siya ang piliing gumanap sa role ni Fidela sa Moonlight Over Baler katambal si Vin Abrenica bilang Nestor. Lovers sila sa love story na naganap noong 1940, bago naganap ang World War II. Ang gumanap namang Fidela after forty years ay si Ms. Elizabeth Oropesa.

Humanga rin si Direk Gil Portes sa pagganap ni Sophie nang mapanood niya sa #Hashtag na kasali sa Cinemalaya three years ago. Kaya si Sophie ang umangkop sa requirement niya na dapat ay hindi mahuhuli kay La Oro ang height. Sophie stands 5’7”.

“Bagay nga si Sophie sa husay ni La Oro,” kuwento ni Direk Gil. “May napanood kasi akong movie noon na noong bata ang lead actress, ang husay niya, pero nang tumanda na ang character niya, hindi mahusay ang kinuha nilang artista kaya hindi na-appreciate ng mga manonood. But here, kita mong may pinaghuhugutan si Sophie sa acting niya kaya mahusay niyang nai-deliver ang role ni Fidela nang mawala na si Nestor.”

Romantic comedy-drama ang Moonlight Over Baler. Ikakasal na sana sina Fidela at Nestor, pero dalawang linggo bago ang kasalan ay pumutok ng WW II at ipinadala sa giyera ang USAFFE soldier na si Nestor. Nangako siya kay Fidela na babalik pero hindi ito natupad kaya kung saan-saan siya hinanap ng nobya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Saan humugot ng acting si Sophie, na maging sa trailer pa lamang ay makikita na ang kahusayan niya?

“Siguro po, dahil I’m longing for the love of my father and mother,” sagot ni Sophie. “Ten years old lamang ako nang ma-heart attack ang daddy ko at naging comatose siya for 16 years. Pero ngayon, wala na siyang life support pero still bedridden. Si mommy ang nag-aalaga sa kanya, ako naman I’m the youngest of four. Normal na ang feeling ko dahil nakikita ko naman siya lagi, kapag umuuwi ako sa amin sa Tarlac.”

Nananatiling good friends sina Sophie at Vin, pero bakit nga ba sila naghiwalay?

“Pinag-usapan naman namin iyon ni Vin. Pero nang ginawa namin itong movie kami pa ring dalawa, kaya very comfortable ang pagtatrabaho namin kahit sa kissing scenes. Nag-decide kaming mag-focus muna sa work, mag-try ng iba namang katambal, kasi mahirap din kung iyon nang iyon ang katambal mo, parang hindi na kayo naggu-grow as an artist. Gusto ko rin mag-try naman ng ibang roles, since under na ako sa management ni Tito Manny Valera. May movie contract din ako sa Regal Films kaya kung may ibang role silang ibibigay sa akin, I can try.”

Totoo nga bang hindi nila nakuha ni Vin ang prizes nila sa Artista Academy ng TV5, at hindi ba sila pinagbawalang magsalita tungkol sa issue?

“Binawalan po, pero that is the truth naman. Nakuha namin ni Vin ang cash prize at ang car, pero hindi namin nakuha ang condo unit na hindi pa raw tapos noon at iyong talent fee na five million pesos sa contract namin. Last July, 2016, nagpa-release na kami sa contract at okey na kung hindi namin nakuha iyong ibang prizes. Sabi nila nagbago na ng management at iyong in-charge sa amin, wala na raw. Iyong condo nakita ko, tapos na, pero wala silang sinabi sa amin.”

Ang Moonlight Over Baler ay pre-Valeniine presentation ng T-Rex Entertainment Production na sinulat ng Palanca winner na si Eric Ramos at mapapanood na simula sa February 8, in cinemas nationwide. (NORA CALDERON)