WASHINGTON (AP) – Nilisan ni Pangulong Barack Obama ang White House kung paano siya pumasok dito walong taon na ang nakalilipas: binigyang-diin niya na may rason ang mga Amerikano na maging positibo sa kabila ng pagkakahati ng bansa.
Naging magiliw si Obama kay President Donald Trump hanggang huli, malugod niyang sinalubong ang kanyang kapalit sa tahanan kung saan niya pinalaki ang kanyang dalawang anak na babae. Para naman sa mga natatakot sa pagkapangulo ni Trump, iminungkahi ni Obama na pansamantala lamang ito.
“This is just a little pit stop,” sinabi ni Obama sa kanyang mga tagasuporta bago lisanin ang Washington. “This is not a period, this is a comma in the continuing story of building America.”
Lilisanin ni Obama ang kanyang posisyon na lubha silang popular, sa pagtaas ng kanyang poll numbers na halos 60 porsiyento. Papalitan siya ng masasabing pinaka-hindi popular na pangulo sa nakalipas na apat na dekada, at mapapansin sa mas kakaunti ang dumalo sa inagurasyon ni Trump kumpara sa kay Obama noong 2009.