Philippines Miss Universe fashion show in Davao city

BINIGYAN ng tribute ng mga kandidata ng Miss Universe ang mga babaeng katutubo ng Mindanao sa kakaibang palabas na tinampukan ng fashion, kagandahan, at kultura kamakalawa ng gabi.

Tinawag bilang “Mindanao Tapestry,” ipinasilip sa jampacked na fashion show fashion ang kultura ng Mindanao, ang kultura sa Pilipinas na hindi pinakakilala.

“By showcasing the best of Mindanao, the 29 candidates will be let in to a Mindanao that it is rich in culture, beauty and tradition, not a Mindanao that is ridden in strife and conflict as portrayed in media,” saad ng beteranong fashion designer at beauty queen maker na si Renee Salud, na lumikha ng Mindanao show noong nakaraang taon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagmula sa Cagayan de Oro ang kasalukuyang Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach, ang kabisera ng Misamis Oriental sa Mindanao, aniya.

Masayang nagsigawan ang mga manonood sa pagrampa ng 29 na kandidata sa neo-ethnic fashion ni Salud at mga manghahabi ng Mindanao sa SM Convention Center Davao at SM Lanang Premier. Kabilang sa masigabong pinalakpakan ang mga kalahok mula Pilipinas, Sierra Leone, at Venezuela.

Ang iba pang mga kandidata na sumali sa fashion show ay sina Miss Argentina Estefania Bernal, Miss Belgium Stephanie Geldof, Miss Bulgaria Violina Ancheva, Miss China Zhenying Li, Miss Ecuador Connie Jimenez, Miss Guyana Soyini Fraser, Miss Honduras Sirey Moran, Miss Hungary Veronika Bodizs, Miss India Roshmitha Harimurthy, Miss Indonesia Kezia Warouw, Miss Kazakhstan Darina Kulsitova, Miss Mexico Kristal Silva, Miss Myanmar Htet Htet Htun, Miss Namibia Lizelle Esterhuizen, Miss Netherlands Zoey Ivory, Miss Nigeria Unoaku Anyadike, Miss Paraguay Andrea Melgarejo, Miss Philippines Maxine Medina, Miss Russia Yuliana Korolkova, Miss Sierra Leone Hawa Kamara, Miss Singapore Cheryl Chou, Miss Slovak Republic Zuzana Kollarova, Miss Turkey Tansu Cakir, Miss Switzerland Dijana Cvijetic, Miss Tanzania Johan Dimack, Miss Ukraine Alena Spodynyuk, Miss USA Deshauna Barber at Miss Venezuela Mariam Habach.

Bukod kay Renee, nakibahagi rin ang designers na sina Silverio Anglacer, Emi Englis, Kenny Ladaga, Alfonso “Boy” Guino-o, Aztec Barba, Benjie Panizales, Dojie Batu, Edgar Buyan, Wilson Limon at Egay Ayag sa pangunahing palabas.

Highlight ng fashion show ang anim na bahagi nito na T’boli weavers, indigenous cross stitchers, Yakan weaves, tribal weaves ng Bukidnon, Royal garb ng Mandaya tribe at Inuol ball gowns.

Ang mga designer para sa pre-show ay sina Ronnie Nacua, Toffy Ledcesma, John Bonnie Adaza, Bamba Limon, Nicky de Asis, Richie Uy delos Santos, Steffy Dacalus, Joey Hambala, Windel Mira, Grand Crizzel Ravacio, Pepe Quitco, Che Aranjuez, Mark Sayad, Ivan Raborar, Wilfred Lee, Akmad Kari Jr., at Saidali Abdilla Jr.

Binuksan ni Tourism Undersecretary Kat de Castro ang fashion show na inilarawan niyang makasaysayan para sa Mindanao.

“If you only knew how hard it is to get Miss Universe here, you will surely appreciate us more. When we presented the Miss Universe show to the President, he would always tell us to include Davao in the program. Lagi po n’yang pinapa-alala sa amin ‘yan,” ani De Castro.

Hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Davao City.

Iprinisinta ng Phoenix Petroleum, ang pangunahing sponsor ng programa, ang tatlong special awards sa mapapalad na mga kandidata. Pagkatapos ng show, agad na inihatid ang mga kandidata sa airport na may mahigpit na seguridad at bumalik sa Maynila.

Samantala, naniniwala si Renee na magiging labanan ng Asians at Latinas ang Miss Universe 2016.

“The Top 15 will be dominated by Asians and Latinas. This batch is loaded with beautiful girls,” aniya.

Nang tanungin tungkol sa tsansa ng ng ating pambato, ani Renee: “Of course she has a big chance. But I am telling you that there are other competent girls so she should not rest on whatever good qualities she has.

“Maybe accidental. Probably when I see one, I will offer her. But to scout for girls on a daily basis, I don’t do that anymore.”

Kabilang sa kanyang mga nadiskubre na naipadala sa Miss Universe pageant sina Maria Rosario Silayan-Bailon na nanalo ng 3rd runner-up sa Miss Universe 1980 at Desiree Verdadero, na 3rd runner-up sa Miss Universe 1984.

(ROBERT R. REQUINTINA)