MAY malaking pagbabago sa Encantadia na magkakaroon ng bagong set at ibang cast, at costume. Gaya na lang ni John Arcilla bilang si Haring Hagorn, ipinost niya ang picture ng kanyang bagong costume at bagong crown, at pati face make-up binago rin.

Mas nakakatakot ang hitsura niya sa susunod na episodes ng fantaserye.

Pati ang caption ni John sa ipinost na photo, nakakatakot din. “BAGONG ANYO. Bagong Encantadia. Babangon ang Hathoria. #Hagorn #encantadia.”

Papasok na rin si Reyna Avria at may pa-survey ang GMA-7 kung sino ang gusto ng Encantadiks na gumanap sa role na unang ginampanan ni Francine Prieto sa original na Encantadia.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

May nagsabing si Rhian Ramos ang gusto, may pumili rin kina Paolo Ballesteros, Kim Domingo, Valeen Montenegro at Dawn Zulueta.

Hintayin natin kung sino ang mapipili ni Direk Mark Reyes para gumanap sa mahalagang papel ni Reyna Avria.

(NITZ MIRALLES)