PINATUNAYAN ni Kristen Stewart na hindi lamang siya aktres.
Inilathala ang research paper na sinulat ng Twilight star nitong Huwebes sa ArXiy ng Cornell University, isang online cache ng non-peer reviewed research. Inimbestigahan ng pag-aaral ang paggamit ng artificial intelligence technology na tinatawag na “Neural Style Transfer” sa paglikhang muli ng ilang eksena niya mula sa kanyang bagong short film na Come Swim sa estilong impressionistic painting na nilikha rin ng aktres.
“The painting itself evokes the thoughts an individual has in the first moments of waking (fading in-between dreams and reality), and this theme is explored in the introductory and final scenes where this technique is applied,” ayon sa pag-aaral. “This directly drove the look of the shot, leading us to map the emotions we wanted to evoke to parameters in the algorithm as well as making use of more conventional techniques in the 2D compositing stage.”
Tambak ang naging trabaho ni Stewart, 26, para matapos ang proyektong ito, hindi lamang siya nagsulat at nagsagawa ng pag-aaral dahil nagsilbi rin itong directorial debut niya.