Iniugnay ng isang American-founded international non-governmental organization, na nagsasagawa ng research at advocacy sa karapatang pantao, ang kasuklam-suklam na pagpatay sa South Korean businessman ng mga opisyal ng pulisya sa malawakang giyera ng administrasyong Duterte sa droga.

Ayon kay Human Rights Watch (HRW) Asia Division Deputy Director Phelim Kine, ang pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-joo na umano’y kagagawan ng mga miyembro ng Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) ay “ominous indicator of the breakdown of rule of law under President Rodrigo Duterte.”

Ayon sa Department of Justice (DoJ), may probable cause upang kasuhan ng kidnapping for ransom with homicide sina SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas, Ramon Yalung at apat pang kataokaugnay ng kidnap-slay kay Jee.

Iniulat na dinukot ng mga opisyal si Jee noong Oktubre 18, 2016 gamit ang isang pekeng arrest warrant na nagsasangkot sa kanya sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Sinasabing sinakal nila si Jee hanggang sa mamatay nang araw ding iyon, pero pagkaraan ng dalawang linggo ay humingi at tumanggap ng P5 milyong pisong ransom ang mga suspek.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Sinabi ni Kine na ang pagpatay kay Jee ay “notably grotesque even amidst a war on drugs that has killed thousands of people in the past six months.”

Pinansin niya na simula nang umupo sa puwesto si Pangulong Duterte noong Hunyo 30, 2016, ang anti-drug campaign nito ay kumitil na ng mahigit 6,000 buhay.

“Jee’s extrajudicial execution bolsters allegations that ‘death squads,’ composed of police personnel operating in civilian clothes, are committing some and perhaps many of those killings,” sabi ni Kine.

Sinabi niya na ang mga pulis ay may “good reason to believe that they can literally get away with murder” simula nang manngako si Pangulong Duterte na mayroong immunity ang mga pulis na papatay sa ngalan ng kanyang drug war.

(Roy C. Mabasa)